Pages

Monday, October 29, 2012

Gusto ko na magkaroon ng sariling bahay :(


Kahapon:
Ako: Buti pa sila Sharlon at Tisha magkakasama sa Olongapo ngayon. Mama: Anong gusto mong gawin ko?
Ako: Magkaroon tayo ng sariling bahay sa Olongapo.
Nakakainggit lang kasi, kapag mga walang pasok tulad ng mga semestral breaks, mga kaibigan ko nakakauwi ng Olongapo sa mga sarili nilang bahay. Habang kami ni mama nandito lang sa Angeles. Lahat ng mga kaibigan ko may mga sariling bahay sa Olongapo. Kami lang ata ang wala. Kaya tuloy madalas nahihirapan kami magsama-sama para magreunion. Minsan naman, nagkikita-kita sila, at syempre wala ako.

Oo, tama nga si mama, dito kasi sa Angeles ang pinili kong school ee. Kahit rin siya gusto niya sa Olongapo talaga. Ayaw niya rito sa Pampanga ee, dahil sa mga experience niya raw dati sa mga kapampangan. Hindi naman ako nagsisisi na dito ko pinili mag-aral. Pero syempre sa Olongapo ako lumaki, mga kaibigan at kamag-anak ko LAHAT doon nakatira.

Ang hirap talaga kasi ng walang sariling bahay. Palipat lipat na kami, sa Gapo pa lang. Tapos nangungupahan pa kami. Sa isang buwan 6000 ang ibabayad namin. Ang laking pera ang nakakaltas sa amin di ba. Nakakapanghinayang. Edi kung inipon namin yung tig-6000 na pera simula pa lang, baka matagal na kaming may sariling bahay.

Ngayon at lumipat kami ng mama ko sa Angeles, pinoproblema namin kapag pumupunta kami sa Olongapo dahil wala kaming tutulugan kaya madalas sandaling araw lang kami, minsan mismong araw ng dating namin ay uuwi na kami agad kinagabihan. Marami kaming kamag-anak sa Gapo pero lahat sila maliliit lang ang bahay tapos napakalayo pa sa siyudad. Hindi kami masyado makagalaw tapos medyo magulo pa. Hindi naman pwedeng maghotel o mag-apartelle kami doon dahil sobrang gastos noon. Hindi tuloy namin magawang makapagpasko o bagong taon roon kasama ng mga kamag-anak namin na kadalasan naming ginagawa nung nasa Gapo pa kami.

Hindi ko ni minsang inisip noong bata ako na kukunin ko ang kursong Architecture. Hindi ko rin pinangarap na maging arkitekto ako. Biglaan nalang  na kinuha ko ito dahil hindi ako makapagdesisyon agad. Kaya siguro Architecture ang naiplano sa akin ng Diyos dahil sa ganitong kadahilan o sa iba pang dahilan na sa matagal na panahon ko pa malalaman.
Sana talaga magkasariling bahay na kami kahit maliit lang.
----

Thursday, August 16, 2012


Kagabi, pumunta mga bago kong kaibigan dito sa bahay namin. Paano kasi si Klark/Kee-chan gusto daw niya ng spaghetti. Ee nung birthday ko hindi sila nakatikim ng luto ng mama ko. Kaya yon, sila Erikko, Klark at Isaac pumunta sa bahay namin. Mga around 9:00pm na kami nakauwi noon galing Theatre Guild! Sa totoo lang 7pm palang gusto ko na umuwi dahil pagod na ako.

Anyway, pagpunta namin sa bahay, inantay muna namin matapos si mama magluto ng spaghetti. Tapos non, nagsikain na kami. Marami rin silang nasandok aa! Nagulat ako hahaha. Ako agad akong nabusog dahil naparami inom ko ng Nestea kaya di ko naubos ung pangalawang sandok ko. Tapos natutuwa talaga ako pagkumain si Erikko, ang hinhin-hinhin niya kumain. Tapos ang linis pa.

Pagkatapos ng lamunan, nagpicture picture kami haha. Pero nadelete ko rin kasi navirused pala yung card reader ko hahaha. Too bad. LOL. Pagkatapos bigla naming napag-usapan yung cosplay. Ito talaga rin ang nakakatuwang part nung gabing iyon.. Kasi gustong gusto nilang tatlo na magcosplay talaga. Lalo na si Isaac. Kinabukasan talaga malaman ko nung magkita kami ni Isaac, nagdecide siya na icocosplay niya yung si Orochimaru from Naruto. HAHAHA. Nakakatuwa kasi interested talaga siya at saka gusto niya talagang masubukan magcosplay.

Sila Klark naman baka magvocaloid or blue exorcist. Gusto kasi ni Klark blue ang buhok. Fave color niya kasi. Si Erikko kahit ano naman yata ee. Ang ikinatutuwa ko rin talaga rito ee yung may natagpuan akong mga tao rito sa Pampanga na pwede kong makasabay talaga sa mga cosplays habang malayo ako sa mga kaibigan kong nasa Manila. <3

Sana may mangyari sa mga plano namin. hahaha

Tuesday, August 7, 2012

Ive been looking, wanting, needing for that affection from someone. The warmth from that person, The feeling of being protected and secured. The longer you held hands with that person, the harder for you to let go.

Problem is that you're not even sure if you feel something towards the person because the thing you want is security. You're not even sure if you both have mutual feelings for each other. Are you being used because you're easy to grasp? Because you are curious? Because youre there and the person they really like are currently not with them? Who even knows.

Friday, July 20, 2012

My birthday finally ended!



Today was like any other day. Dahil "birthday" ko lang ang nagdagdag excitement sa akin kanina. Yung pagpasok mo ng school, gusto mo malaman kung ilan o sinu-sino mga babati sa iyo. Pati sa facebook inaabangan mo kung sino-sino ang babati sayo.
Kaninang umaga ko narin binuksan yung ipinadalang regalo sa akin ni Mark! Online friend ko siya. Nakilala ko sa online game na Gunbound. Two weeks before my birthday, dumating yung pinadala niya at nakuha ko lang ito nung martes lang kasi tinamad akong kunin haha grabe.
Ito nga pala iyon:



nakakatuwa dahil kahit malayo siya, gumawa talaga siya ng paraan para maipadala ito sa akin. kahit ganito kasimple lang ang ginawa niya. :)

May mga cards pa yan pero di ko na malagay! ang tagal mag-upload ee.

Nagcheck na rin ako ng facebook nung umagang iyon. As usual may bumati naman. Pinakamahaba yatang post doon ay yung kay KOY. (ayan na banggit na kita. naka-bold letters pa. HAPPY??)

Naging masaya rin naman ang kaarawan ko kahit hindi ito tulad nung dati na may marami akong bisita, mga kaibigan at mga pinsang bumibisita. Prelim exams kasi namin ngayon kaya nahirapan makadalo ang mga kaklase ko sa school. Kaya ang ginawa ko nalang, nagdala ako ng spaghetti na luto ng inay ko! Maraming natuwa nga sa luto ng nanay ko ee. Masarap daw at kakaiba! Grabe, nakakataba rin ng puso. Syempre, nanay ko kaya nagluto niyan! :))

Pagkatapos kong maghula sa exams namin kaninang hapon, umalis ako ng room at dumiretso sa bagong tinatambayan ko na Theatre Guild. Kinantahan nila akong lahat ng isang malakas na "HAPPY BIRTHDAY". Nakakatuwa silang lahat. Tapos sabi nila, debut ko daw bakit wala raw akong 18 candles or roses. Kaya tuloy, si Kuya Khey nagdecide na mangolekta ng tigpipiso at lalagyan ng pangalan nila or happy birthday!



Tapos maraming kuhanang picture ang naganap! Kahit sa ganoong paraan lang, napaligaya ako ng mga tao sa paligid ko ngayong kaarawan ko.
:)

***magdadagdag nalang cguro ako ng photos next time ^^

Sunday, June 24, 2012

Namimiss ko na mga pinsan ko!

waaah! so may girlfriend na yung pinsan kong isa! ako nalang ata sa magpipinsan hindi pa nagkakaroon ng chuvanels. Hindi ako sanay na may girlfriend na pinsan kooo ; v ;
parang naaalala ko bata palang kami, ngayon may pa-"i love you" (2x) na siya. Isa siya kasi sa mga pinakaclose kong pinsan kasi! Pero dahil sa family problems hindi na kami nagkakausap :( huhuhu. Nakakalungkot isipin!


Ang bilis ng panahon! hindi na talaga kami bata. Malalaki na kami at hindi ako makapaniwala na hanggang ala-ala nalang talaga yung mga panahon na naghahabulan kaming magpipinsan at nag-aaway-away dahil sa mga simpleng bagay. Ngayon yung isa ko pang pinsan may asawa't anak na sa batang edad palang(mga 18-20?). Dahil rin rito hindi na kami nakakapagbonding. Yung karamihan may mga trabaho na dahil hindi kayang maipag-aral ng mga tito at tita ko. Nagkahiwahiwalay tuloy kami. Nakakalungkot talaga. Sana dumating yung araw na magkasama-sama ulit kami na parang tulad nung dati! Ang saya kasi kasama lahat ng mga pinsan ko.. miss ko na sila ng sobra. :c

Monday, June 11, 2012

i am still scared.


HUWWHHYYY PEOPLE/FRIENDS ON THE INTERNET 8C U MAKE ME SO SAAAAAAAAAAD


i seriously need MORE friends so i don't have to feel alone every time this happens. :( actually i don't know what i really need right now.

Friday, June 8, 2012

Singing "Happiness"

i haven't listen to Arashi's song "Happiness" for a very long time! and i thought i still remember the lyrics of that song but i think not!!

i still danced along with the song though!! it was funny the whole time i was singing/murmuring cause i missed a lot of lyrics = v = ;;



yep that's what mostly happened.
 

(c)2009 a page full of non-sense. Based in Wordpress by wpthemesfree Created by Templates for Blogger