Pages

Tuesday, January 18, 2011

Internet Friends

Tulad ng mga kabataan ngayon, babad din ako sa computer. Nung nagsimula kaming magkanet, 2-4hours lang ako nakakapagpc. Hindi naglaon, umaabot ako ng 5hrs. Kung hindi pa ako mumurahin ng aking nanay, hindi pa ako aawat. :)) Pero ngayong meron na akong netbook at wifi, hindi ako hihnto kung hindi ako antukin or umalis ng bahay.


Pero, siyempre hindi rin maiiwasan na magkaroon ng mga kaibigan sa net. Ewan ko ba, sa hinabahaba ng pagtanghod ko sa harap ng pc, NAPAKAUNTI lang ng nagiging kaibigan ko. Yung iba diyan kung sino-sino ang mga nagiging kaibigan. Hindi ko nga alam kung bakit, mahiyain ako sa internet. Tulad ng sabi ng karamihan, hindi naman nakikita yung mukha ko sa net, pero ewan. Kabaligtaran ko ugali ko sa IRL sa net. XD


Nawala ata self-confidence ko ee. Dati naman madaldal ako sa net. Pero ewan na. XD



  • Roy - nakilala ko sa gaiaonline. Naaalala ko pa kung panu kami nagkakilala. Mukha kasing Syaoran sa Tsubasa Chronicles yung avatar nya. Ee, mahilig pa ako sa anime doon. Agad agad ko syang nilapitan (nasa Rally kami. Parang chatroom siya). Walang hiya pa ako noon. Hanggang sa kinausap ko sya at nalaman na pinoy rin pala sya. Tapos, nagsimula na kami magpalitan ng PMs and comments. ETC ETC SKIP SKIP. XDDDDD. Last time din, nakausap ko sya sa YM, naglakas loob na kausapin gamit yung boses ko. Ayun. Narinig boses ko, boses nya hindi ko man narinig. (WALANG MIC). Hindi ko na matandaan kung anong year ko sya nakilala basta, 4years na ata. 12 years old ako, sya 15yrs old. Aso't pusa kami. LOL. Nung November 2010 ko sya last nakausap sa gaiaonline. Musta na kaya yung ungas. :| namimiss ko narin yon LOL. WAAAAA :(
  • Miyan - kumare sa landian. Kasunod ko syang nakilala. Sa gaiaonline din. Basta, magkasama kami ni Roy sa Hollywood (isang chatroom rin). Nakaupo kami magkatabi, tapos may napapansin kaming isang babaeng "umiiyak" gamit yung umiiyak na emoticon. Ignore lang ata kami, or baka inasar ni Roy. Then, sabi ni Miyan, sweet daw namin. After noon, tinawag na kaming mommy and daddy. Nagsimula na rin kaming magpalitan ng comments hanggang sa naging close kami. :) Hindi ko narin ito masyado nakakausap. Busy na kasi ee. Pero sana next time! :DDDDD
  • Koy - singkit. Nakilala ko naman ito sa moymoypalaboyforums. (lol. nakakamiss din yung forums) Dito na yung times na hindi ako nagpaparamdam. Hindi ako umaappear sa SB or shoutbox. Nahihiya kasi ako. Sa pagkakatanda ko, nakausap ko si Kokoy sa SB. Uso pa doon yung loveteam niyang SaKoy (Sakura and Koy). Ee, unti lang mga tao, si Koy lang ata ang tao doon sa SB? or bigla akong nagsalita sa SB. Then, nagreply si Koypinoy. Hindi ko na matandaan yung pinag-usapan or yung ugat ng pag-uusap namin. Basta natandaan ko na may sinabi akong, "hello mga fans". ( Hindi ko na talaga maalala basta may nasabi akong "FANS" doon) At si Koypinoy nagreact. Simula noon, naging no.1 fan ko na "daw" sya. Ewan ko ngayon. HAHA! Hanggang sa friendster, facebook to plurk, kausap ko sya. Dati YM pero ewan ko doon. (walang RIN mic at webcam). Until now may communication parin kami. Nagsasawa na nga ako ee. HAHA. joke lang behbehlalabsko mumuaah tsuptsup XD. pero joke lang :|
Nakakatuwa dahil naaalala ko pa! Maliban kay Koy na medyo malabo haha. Pero atleast alam ko kung pano talaga nagmeet di baaaa.
Sa tatlong taong yan, sila lang ang PINAKA close ako. Yung umabot talaga ng taon, at may communication ako sa kanila hanggang ngayon. Sana nga at hindi maputol ang communication namin. Marami rin akong naging kaibigan pero agad ding nawawalan ng communication. Sayang pero baka sadyang ganoon haha.
Sana next time mameet ko na sila. :))

Mas humaba pa lalo ang pagsasamahan namin kahit dito lang sa net kami nagkakausap. :)

-- :D

Thursday, January 13, 2011

Tagu-taguan maliwanag ang Buwan..

Just a random blog. May nagrereklamo kasing tao dahil hindi ako nakapagpost ng bagong blog. Itago natin sa pangalang "KOY".
Wala kasi akong maisip na topic na pwedeng maisulat o mapag-usapan dito. Magbigay nga kayo!


Eto na pala. Meron na akong naisip.


***
Lakwatsera ako nung bata ako. Para akong dora. Pero wala akong bag na violet at may unggoy na kasama. Paggising sa umaga (mga 8am ata yun. Maaga pa ako nagigising noon ee. Hindi pa uso ang magpuyat), pagtapos lang ng almusal labas agad ng bahay, maghahanap at mag-aantay ng kabitbahay at kalaro.
Noong bata pa ako, hindi pa uso ang computer games, game consoles, cellphone kaya sa labas nakatambay at maglalaro maghapon kaming lahat. Kahit ganoon, mas masaya naman.


The following are all based on my experience:



  • Tagu-taguan/Hide-and-seek - ito ang madalas na laro namin dati. It's a really common game. Nagtataka nga ako ee. Kasi merong kinakanta during the start of the game. If you're "IT" or taya iipikit ang mata at haharap sa dingding.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, wala sa likod, wala sa harap. Pagkabilang ng tatlo, nakatago na kayo. 1...2...3 GAME..?!"  
Nakakatawa kasi, bibilang ka hanggang tatlo, sabay tanong kung GAME. May sasagot na "Hindi pa". Magtatanong ka pa ulit kung GAME NA. haha. What's the point di ba. Nakakatuwa rin ito laruin lalo na kapag gabi. May mumu daw kaming katabi kapag magtatago na :(

  • Nanay, Tatay - isa rin sa pinakasikat na laro dati. Hanggang ngayon nalalaro pa namin kapag wala na talaga magawa. Isa narin yung madalas na mga laro na tulad nito ay ang Pineapple Pie, Kabilugan ng Buwan, pik-pak pamela shake, atbp. NAPAKADAMI kung alam nyo lang. Hindi ko nalang ilalagay dito lahat.
"Nanay, Tatay, gusto kong tinapay, Ate, Kuya, gusto kong kape. Lahat ng gusto ko ay susundin nyo, ang magkamali ay pipingutin ko...."

  • Luksong Baka/Luksong Tinik - hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko sya ganoon ka tipo. Natatakot ata akong tumuwad kapag tumalon sa likod ng kalaro ko. haha. Tulad ng luksong baka, ang luksong tinik, mga kamay naman na nakabuka na magkakapatong ang kamay. Basta iyon! haha.


  • Taguang Tsinelas - favorite game ko rin ito. Dahil, at least na ikaw ang magpakahirap na magtago, tsinelas mo ang itatago mo. Kadalasan dito, hindi na bumabalik yung tsinelas.


  • Tumbang Preso - hindi ito madalas na malaro namin. Ewan. Nabobored ata ako dito. Mas gusto ko yung tsinelas yung ginagawang lata! Syempre pamato parin yung tsinelas

  • Teks - maliliit na karton na puro cartoons ang nakalagay. Dami kong ganito dati! mahigit 2 supot! Puro Dragon Balls and Ghost Fighter yung nakikita ko doon. After a year ata unti unting sumikat yung trading cards na Pokemon. (Ang kintab!)

  • Piso Piso/ Ice Water/ Langit Lupa - habul-habulan. Sikat din dating laro. Peyborit namin ding laruin ito. Yung piso-piso, meron pa ata neto ngayon. Ewan. Bihira na makakita ng mga batang naglalaro sa kalye. Nasa computer shop na silang lahat.
"Langit Lupa impyerno, im-im-impiyerno. Saksak puso tulo ang dugo. Patay, buhay alis ang isa dito!"
          Sa piso-piso, para hindi mataya, uupo ka. Kapag nahawakan ka at nasabihan ka ng PISO, hindi ka makakatayo. Kapag tumayo ka, magiging taya ka. Same rules sa Ice water, kapag sinabihan ka ng ICE, hindi ka gagalaw. Sa Langit-Lupa, para hindi mataya, dapat umakyat sa isang mataas na platform, "LANGIT". Anything na mas mataas sa lupang pinaghahabulan ninyo.


  • Patintero - no.1 favorite ko. Napakasayang laro kaya lang masyadong malaki ang space na kinukuha neto kaya nahihirapan kaming laruin ito. Mas gusto ko nang maging taya kaysa ang pumasok sa box na yun. Hehe


  • Piko - isa rin sa fave. Never namin natapos ang larong ito. Hindi na kasi namin alam kung ano kasunod kapag nilagyan na ng tenga yung mga boxes na tinatapakan/hinahakbangan namin. Madalas din akong nauuna dito.


  • Bahay-bahayan - pinakamadalas laruin ng mga kababaihan. May tatay rin naman. Nakikisali rin yung mga kalaro kong lalaki. Natandaan ko pang naging pangalan ko sa larong ito ay, "Thelma". EW DI BA. Haha.



  • Chinese Garter - hirap akong tumalon haha. Hanggang tuhod lang kinakaya ko. Kaya sa ganitong laro, ako ang laging tinatawag na "baby".


  • Moro-moro / Agawan Base - Napakasayang laro neto, pero sobra nakakapagod. Hindi tulad ng Piso-piso na kapag napagod ka, pede kang maupo, kahit an sabihan kang PISO, hindi ka pa matataya. Ngunit yung Moro-moro, kapag nahabol ka, mapupunta ka sa "base" ng kalaban at mag-antay kang hawakan ng kakampi mo, makawala at makabalik sa base mo para SAFE.


  • Holen at Jackstones - holen okay pa. Wag lang jackstones. Umaalis palayo sa akin yung bola. Badtrip. Yung holen okay pa. Parang bilyar.

Madami pang laro dati hindi ko nalang kayang isa-isahin dahil nakakatamad ng magsulat at basahin. Lahat ng mga nabanggit ko ay napagdaanan ko. Lahat ng ito ay masaya. Ngayon nga ay hinahanap-hanap ko na. Nakakamiss!


Naghihinayang ako sa henerasyon ngayon. Sayang at hindi nararanasan ng karamihan ng mga bata ngayon ang maglaro sa labas hindi tulad ng dati na, kapag may barbie ka, mayaman ka na. Ngayon, kapag may barbie ka, wala ka ng kinakain sa bahay. Ang dami na kasing mga high-technologies ngayon na hindi na makaalis yung mga kabataan sa harap ng mga ito. (Tulad ko. syempre) Hindi nila alam na mas masaya kung sila'y lumabas at maglaro doon. Mas marami silang nakakaligtaan sa labas ng kanilang bahay. May exercise ka pa di ba. Tataba ka lang kung nasa tapat ka lang ng computer magdamag.


Naging multo, detective, nanay, baby, aso, pusa, kaaway, kalaban, bida, kalabaw, reyna ako sa mga nalaro ko noong bata ako. Nagkakapeklat sa kakaulit na pagkadapa, pero natututong tumayo naman. Kahit na dati ay nahabol na ng aso dahil naglalaro ng piso-piso. Kung hindi pa tatawagin ng nanay, hindi pa malalaman na gabi na. Pagkatapos kumain, magshoshower, matutulog ng maaga, paggising panibagong araw nanaman, upang maglaro.


Ang saya talaga! Laro tayo patintero!


-- :D

Saturday, January 1, 2011

2011

Ohh ohh hoo~ 2 0 1 1 [nicki minaj]


Hindi pa alas-dose, lumabas na kami agad ni mama sa bahay at nagtorotot ng malakas. Yung torotot ko parang umiiyak na oso. Nilalaksan dahil wala kaming paputok. Dadalawa na nga lang kami sa bahay, wala pang mag-iingay. nagulat nalang ako, nagpapaputok yung mga tao malapit sa bahay namin. Ang duga. Hindi kami bumili ng paputok dahil bawal daw. Kahit lusis man lang hindi ako nakapagsindi. D:


Matapos ang nakakapagod at nakakahingal na pagtotorotot, tumigil na rin kami. Kumain ng masarap na tempura (yum yum..!! ako lang kumain :D) leche flan, ube, casava cake, baked macaroni, carbonara, meatballs, at mga prutas. Kahit dalawa lang kami, maraming handa naman. Masaya dahil solo ko tempura. Malungkot dahil nakikita ko sa iba andami nilang masayang nagcecelebrate ng bagong taon.


3am na ako nakatulog. 12pm na nagising. walang pinsan ang dumating. Isang pamilya ngunit hindi ko naman ganun kaclose. Pagkatapos kumain, ayun nagnotebook, chat buong magdamag. Hanggang ngayon nagcocomputer parin. Walang ginawa. This January 1st is really boring for me lol. :P may nameet nga akong finnish, hindi ko naman naitanong yung email address nya kaya, hindi ko na sya makakausap forever dahil sa omegle sya. :|


anyway. iyon lang ang masayang new year ko. :P


-- :D bored :((
 

(c)2009 a page full of non-sense. Based in Wordpress by wpthemesfree Created by Templates for Blogger