Kung may mga laro sa kalye, sa panahon ngayon, may mga larong pangtechnolohiya na. Eto ang uso ngayon ee. Wala ng naglalaro sa labas ng bahay. (wala na nga ata talaga)
Pero bago pa man umuso ang mga DOTA na dahilan ng pagcucutting classes ng mga kaklase kong mga lalaki, marami ng mga nausong computer games na kinaadikan ko. Hindi sila ganoon kadami pero, nauso sila dati at nalaro ko na kinahiligan ko talaga.
- Gunbound - ito ata yung first online game na nalaro ko. May computer na kami pero wala pang internet, kaya sa computer shop ako nakakapagnet. Hanggang sa nameet ko ang first love ko, Gunbound. Super naadik ako dito. Ayaw ko na magpaawat. Pag-uwi ko sa bahay iniisip-isip ko kung pano ako nakakapag-usap sa mga ibang pinoy. Naaalala ko pa na hindi ko alam kung ano ang username, kaya nilagay ko pangalan ko. LOL. Muli ko syang dinownload ngayon, pero hindi ko na masyadong nahiligan. Maraming Europeans, natutuwa ako kapag nakakausap ko mga taga-France and taga-England. (lol. parang omegle). May mga pinoy rin pero parang hindi ko nagustuhan yung SUPER bilis na paglevel nya. Basta, i love this game pa rin :) [umalis na ako sa game na to. daming hacks ee :P]
- Flyff - 2nd game ko? Naadik din ako dito. Wala parin kaming net nito. Then natry kong laruin. Ayun, as usual, naadik ako. Nacutan ako sa graphics. SUPER. Ang bouncy tingnan haha. Ayun, last last last year, nagFLYFF hunt ako sa mga cd stalls hanggang sa nakita ko yun at muling nilaro ko. Badtrip nga. Yung bago ko lang account na level 52 na ata. Nakalimutan ko pa yung password. BADDDDTRIIIIIIIIPPPPP. Nakalimutan ko rin kung anong e-mail address ang pinaggamitan ko noon, kaya hindi ko na talaga maclaim yung password. Sayang yung 1million penya ko doon :'( pero muli ko ring ininstall, naglaro at gumawa ng bagong account. Hindi nga lang masyadong kadaming tao. Naadik ako ng mga ilang buwan lang, pero ngayon nagsiwalaan na yung mga kasabay ko sa pagpalevel kaya hindi na ako nagfaFLYFF for the time being :((
- Angels Online - eto may net na kami. hindi ko alam kung pang-ilan ito, basta nakita ko ito somewhere sa ads sa net then tinry ko. Okay lang yung game. Hindi ako naadik or anything. Nagtagal ako, MEDYO dahil may nakilala akong mga kaibigan doon. Karamihan sa kanila ay Malaysians. Pero hindi naglaon, nabored ako. Parang wala lang ee. haha. Walang thrill.
- Rakion - isa pa itong kinaadikan ko ng sobra. Nareformat yung pc namin at nag-install yung nagrepair ng pc ng mga games like Flyff, Battle Realms and Rakion. Tinry ko yung Rakion, ayon at naadik ako. Parang panlalaki yung dating pero, sobra ang ganda ng laro. Laging mage ang gamit ko dito. Hindi ako marunong sa ibang characters. Ang pangit lang sa larong ito (lalo nung sikat pa ito) yung hirap kang makapasok sa server. Pagpasok mo sa isang room, either stay or kick. Kapag mabagal yung speed ng net mo, maaalis ka sa room. Papasok-pasok ka sa ibat ibang room, kaya matatagalan ka sa paglalaro.
- 02Jam - uwaaah! Miss na miss ko na ito ng sobra! huhuhuhu. Para syang piano na syempre gamit yung keyboard ng pc, dapat makahit ka ng tamang notes. Gustong-gusto ko talaga ito lalo na dahil music inclined. Unang natutugtog ko pa noon lagi ay yung Lonely Song na tono ay "Santa Clause is Coming to Town". SUUUPER bagal ng pagbagsak ng ihihit mong note. Kaya kawawa ka nalang kung hindi mo pa ito maperfect. Fly Magpie, Christmas Memories, Kan Kan(super hirap. nakakatuwa dahil namamatay ka na sa simula), Milk Chocolate ay mga natatandaan ko nalang na mga favorite kong itugtog o ilaro sa o2jam. Sayang na nga lang at Offline nalang ang available na game neto. 02mania.
- Audition - dinownload ko dahil akala ko tulad ng o2jam. Ngunit tama nga hinala ko, AKALA lang iyon. Ang ganda at ang cute ng characters, ganda ng moves, pero napapangitan ako sobra sa game. Hindi sya yung tulad ng o2jam na isasakto mo yung paghit mo ng button, kundi dapat mabilis ka magtype ng arrow keys sa loob ng given time. Hindi ako nagtagal ng isang araw dito.
- Battle Realms - tulad ng sabi kanina, nainstall lang sya. Pero never ako nag-OL sa game na ito, pero ang ganda ng game na ito. Parang Warcraft? ata lang aa.
- Ragnarok - nasa netshop ako nung nagregister ako nito. Tapos time ko na pala. Ayun, hindi na ako nakapaglaro :))
- Grand Chase - my first attempt dito, hindi ko matapos ung tutorial. 2nd, ininvite ako ng kaibigan ko ng maglaro ng Grand Chase, at binigyan pa nya ako ng file gamit ung USB nya. Ayun, naglaro naman ako pero hindi ako naadik.
Wala na akong maalalang nalaro ko maliban diyan, pero yan siguro ang nagbigay history sa akin, at nakasira ng pag-aaral. :))
I hope sana wala na akong makaadikan na games, but willing akong makalaro ng bago :P
Well, i guess i love games??? :DD
Pero kadalasan naman ng paglalaro ko ng matagal sa mga Online Games dahil sa mga friends that i meet on the way. :) ( parang pokemon :D )