Kagabi, pumunta mga bago kong kaibigan dito sa bahay namin. Paano kasi si Klark/Kee-chan gusto daw niya ng spaghetti. Ee nung birthday ko hindi sila nakatikim ng luto ng mama ko. Kaya yon, sila Erikko, Klark at Isaac pumunta sa bahay namin. Mga around 9:00pm na kami nakauwi noon galing Theatre Guild! Sa totoo lang 7pm palang gusto ko na umuwi dahil pagod na ako.
Anyway, pagpunta namin sa bahay, inantay muna namin matapos si mama magluto ng spaghetti. Tapos non, nagsikain na kami. Marami rin silang nasandok aa! Nagulat ako hahaha. Ako agad akong nabusog dahil naparami inom ko ng Nestea kaya di ko naubos ung pangalawang sandok ko. Tapos natutuwa talaga ako pagkumain si Erikko, ang hinhin-hinhin niya kumain. Tapos ang linis pa.
Pagkatapos ng lamunan, nagpicture picture kami haha. Pero nadelete ko rin kasi navirused pala yung card reader ko hahaha. Too bad. LOL. Pagkatapos bigla naming napag-usapan yung cosplay. Ito talaga rin ang nakakatuwang part nung gabing iyon.. Kasi gustong gusto nilang tatlo na magcosplay talaga. Lalo na si Isaac. Kinabukasan talaga malaman ko nung magkita kami ni Isaac, nagdecide siya na icocosplay niya yung si Orochimaru from Naruto. HAHAHA. Nakakatuwa kasi interested talaga siya at saka gusto niya talagang masubukan magcosplay.
Sila Klark naman baka magvocaloid or blue exorcist. Gusto kasi ni Klark blue ang buhok. Fave color niya kasi. Si Erikko kahit ano naman yata ee. Ang ikinatutuwa ko rin talaga rito ee yung may natagpuan akong mga tao rito sa Pampanga na pwede kong makasabay talaga sa mga cosplays habang malayo ako sa mga kaibigan kong nasa Manila. <3
Sana may mangyari sa mga plano namin. hahaha