Wala kasi akong maisip na topic na pwedeng maisulat o mapag-usapan dito. Magbigay nga kayo!
Eto na pala. Meron na akong naisip.
***
Lakwatsera ako nung bata ako. Para akong dora. Pero wala akong bag na violet at may unggoy na kasama. Paggising sa umaga (mga 8am ata yun. Maaga pa ako nagigising noon ee. Hindi pa uso ang magpuyat), pagtapos lang ng almusal labas agad ng bahay, maghahanap at mag-aantay ng kabitbahay at kalaro.
Noong bata pa ako, hindi pa uso ang computer games, game consoles, cellphone kaya sa labas nakatambay at maglalaro maghapon kaming lahat. Kahit ganoon, mas masaya naman.
The following are all based on my experience:
- Tagu-taguan/Hide-and-seek - ito ang madalas na laro namin dati. It's a really common game. Nagtataka nga ako ee. Kasi merong kinakanta during the start of the game. If you're "IT" or taya iipikit ang mata at haharap sa dingding.
"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, wala sa likod, wala sa harap. Pagkabilang ng tatlo, nakatago na kayo. 1...2...3 GAME..?!"
Nakakatawa kasi, bibilang ka hanggang tatlo, sabay tanong kung GAME. May sasagot na "Hindi pa". Magtatanong ka pa ulit kung GAME NA. haha. What's the point di ba. Nakakatuwa rin ito laruin lalo na kapag gabi. May mumu daw kaming katabi kapag magtatago na :(
- Nanay, Tatay - isa rin sa pinakasikat na laro dati. Hanggang ngayon nalalaro pa namin kapag wala na talaga magawa. Isa narin yung madalas na mga laro na tulad nito ay ang Pineapple Pie, Kabilugan ng Buwan, pik-pak pamela shake, atbp. NAPAKADAMI kung alam nyo lang. Hindi ko nalang ilalagay dito lahat.
"Nanay, Tatay, gusto kong tinapay, Ate, Kuya, gusto kong kape. Lahat ng gusto ko ay susundin nyo, ang magkamali ay pipingutin ko...."
- Luksong Baka/Luksong Tinik - hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko sya ganoon ka tipo. Natatakot ata akong tumuwad kapag tumalon sa likod ng kalaro ko. haha. Tulad ng luksong baka, ang luksong tinik, mga kamay naman na nakabuka na magkakapatong ang kamay. Basta iyon! haha.
- Taguang Tsinelas - favorite game ko rin ito. Dahil, at least na ikaw ang magpakahirap na magtago, tsinelas mo ang itatago mo. Kadalasan dito, hindi na bumabalik yung tsinelas.
- Tumbang Preso - hindi ito madalas na malaro namin. Ewan. Nabobored ata ako dito. Mas gusto ko yung tsinelas yung ginagawang lata! Syempre pamato parin yung tsinelas
- Teks - maliliit na karton na puro cartoons ang nakalagay. Dami kong ganito dati! mahigit 2 supot! Puro Dragon Balls and Ghost Fighter yung nakikita ko doon. After a year ata unti unting sumikat yung trading cards na Pokemon. (Ang kintab!)
- Piso Piso/ Ice Water/ Langit Lupa - habul-habulan. Sikat din dating laro. Peyborit namin ding laruin ito. Yung piso-piso, meron pa ata neto ngayon. Ewan. Bihira na makakita ng mga batang naglalaro sa kalye. Nasa computer shop na silang lahat.
"Langit Lupa impyerno, im-im-impiyerno. Saksak puso tulo ang dugo. Patay, buhay alis ang isa dito!"
Sa piso-piso, para hindi mataya, uupo ka. Kapag nahawakan ka at nasabihan ka ng PISO, hindi ka makakatayo. Kapag tumayo ka, magiging taya ka. Same rules sa Ice water, kapag sinabihan ka ng ICE, hindi ka gagalaw. Sa Langit-Lupa, para hindi mataya, dapat umakyat sa isang mataas na platform, "LANGIT". Anything na mas mataas sa lupang pinaghahabulan ninyo.
- Patintero - no.1 favorite ko. Napakasayang laro kaya lang masyadong malaki ang space na kinukuha neto kaya nahihirapan kaming laruin ito. Mas gusto ko nang maging taya kaysa ang pumasok sa box na yun. Hehe
- Piko - isa rin sa fave. Never namin natapos ang larong ito. Hindi na kasi namin alam kung ano kasunod kapag nilagyan na ng tenga yung mga boxes na tinatapakan/hinahakbangan namin. Madalas din akong nauuna dito.
- Bahay-bahayan - pinakamadalas laruin ng mga kababaihan. May tatay rin naman. Nakikisali rin yung mga kalaro kong lalaki. Natandaan ko pang naging pangalan ko sa larong ito ay, "Thelma". EW DI BA. Haha.
- Chinese Garter - hirap akong tumalon haha. Hanggang tuhod lang kinakaya ko. Kaya sa ganitong laro, ako ang laging tinatawag na "baby".
- Moro-moro / Agawan Base - Napakasayang laro neto, pero sobra nakakapagod. Hindi tulad ng Piso-piso na kapag napagod ka, pede kang maupo, kahit an sabihan kang PISO, hindi ka pa matataya. Ngunit yung Moro-moro, kapag nahabol ka, mapupunta ka sa "base" ng kalaban at mag-antay kang hawakan ng kakampi mo, makawala at makabalik sa base mo para SAFE.
- Holen at Jackstones - holen okay pa. Wag lang jackstones. Umaalis palayo sa akin yung bola. Badtrip. Yung holen okay pa. Parang bilyar.
Madami pang laro dati hindi ko nalang kayang isa-isahin dahil nakakatamad ng magsulat at basahin. Lahat ng mga nabanggit ko ay napagdaanan ko. Lahat ng ito ay masaya. Ngayon nga ay hinahanap-hanap ko na. Nakakamiss!
Naghihinayang ako sa henerasyon ngayon. Sayang at hindi nararanasan ng karamihan ng mga bata ngayon ang maglaro sa labas hindi tulad ng dati na, kapag may barbie ka, mayaman ka na. Ngayon, kapag may barbie ka, wala ka ng kinakain sa bahay. Ang dami na kasing mga high-technologies ngayon na hindi na makaalis yung mga kabataan sa harap ng mga ito. (Tulad ko. syempre) Hindi nila alam na mas masaya kung sila'y lumabas at maglaro doon. Mas marami silang nakakaligtaan sa labas ng kanilang bahay. May exercise ka pa di ba. Tataba ka lang kung nasa tapat ka lang ng computer magdamag.
Naging multo, detective, nanay, baby, aso, pusa, kaaway, kalaban, bida, kalabaw, reyna ako sa mga nalaro ko noong bata ako. Nagkakapeklat sa kakaulit na pagkadapa, pero natututong tumayo naman. Kahit na dati ay nahabol na ng aso dahil naglalaro ng piso-piso. Kung hindi pa tatawagin ng nanay, hindi pa malalaman na gabi na. Pagkatapos kumain, magshoshower, matutulog ng maaga, paggising panibagong araw nanaman, upang maglaro.
Ang saya talaga! Laro tayo patintero!
-- :D
2 comments:
whoa sino kaya yung KOY na yun buti hindi ako kasi di Caps ang pangalan ko :)) Nice blog Thelma
:))
ew thelma :'(
Post a Comment