Pages

Wednesday, February 23, 2011

What do you hate about yourself?

 \What do you hate about yourself?
Since, sa last update ko ay about my introduction of myself, sa personality naman tayo papasok. Pasensya na sa mababasa nyo, dahil hindi ako in a very cheerful side today. :)) so it's all about what i hate about myself, weaknesses and a dark side.
But, you dont have to read it. haha. Kasi baka mainis lang kayo sa mababasa nyo.
I gave you a warning. :)


What do I hate about myself?
Hmm? Lahat ng kaibigan ko alam ito. Napakasensitibo kong tao. Maiinis ka nalang. Mga simpleng bagay na binibigyan ng halaga na hindi naman talaga. Ang masaklap, hindi totoo ang nasaisip na pinagkakaabalahan sa simula na nagbibigay ng misunderstanding sa isip.
Katabi ng pagiging sensitive ko ay emotional din ako. Nakakainis siya kasi alam kong maraming maiinis sa iyo dahil sa pagiging emotional mo, madrama! Ayaw kong isipin na hindi marunong tumanggap ang mga taong nasa paligid ko sa pagiging ako. Naiinis lang ako. BASTA!
Syempre, included ang pagiging iyakin sa sensitive at emotional :P
HMM. ano pa ba mga ayaw ko sa sarili ko? ayun. Selosa rin ako. Possessive.
Hindi ako prangka. Ayaw ko maging prangka dahil takot akong masaktan ang tao. Pero, ang kaya ko lang ay maisabi ang ayaw ko sa taong ito sa ibang tao. Kaya kung iisipin nagiging plastik ako, at nanininira ng tao. Kaya, ewan ko na hahaha. XD
Mala mood swing  daw ako.
Madalas maging insecure. Actually, i think sa lahat. Mahilig magjudge, pero impression always stays as an impression. I kikeep in mind ko ang nahusga ko pero hindi ko pinagdidiinan. But, i still hate that part of myself.


Marami pa akong ayaw sa akin. Hindi ko nalang maisip dahil wala akong maisip saka ito lang sa ngayon ang nangingibabaw na inis ko sa sarili. Basta, tuwing malungkot ako, laging inis ko ay sa sarili ko.
Pasensya sa mga nasabi ko dito, kasi nakakainis haha. Masyadong nagpapababa ng sarili ee. :P
-- :D

0 comments:

Post a Comment

 

(c)2009 a page full of non-sense. Based in Wordpress by wpthemesfree Created by Templates for Blogger