Pages

Monday, March 21, 2011

Simple Things

Crying at simple things again.. I dont know if i should call it simple. I was just chatting with my friend...AGAIN. Ngayon, may napag-usapan kami. Matagal tagal narin kaming nagroroleplay. Nakapagroleplay in real life, in text or in chat. Mga kaibigan ko, kasama ko sa cosplays, roleplays, sa mga anime thingies.. lahat. Yung iba hindi na masyadong nakakapagroleplay na tulad ng dati. Busy na kasi, saka ayon. Basta iyon.

Ngayon, napag-usapan namin. Natanong ko kung ilang buwan na yung mga characters na niroroleplay namin. Sabi ko kung hanggang kailan kaya ang itatagal ng characters na binigyan namin ng buhay? Naitanong niya kung makakaabot kaya? Sabi ko kelangan humaba!!! Nagrrp parin kahit 30's na. ---- Tapos naisip ko, ayaw ko nang matapos ito. Ayaw ko nang mahinto. Natatakot akong matapos ito. I want them to keep on living. Then she said, I feel bad  for the characters XD. They mean so much D: .. nakakalungkot talaga.. nalulungkot ako. Ayaw kong mawala ang nagtulay saamin maging magkakaibigan.

So ayon. Simpleng bagay iniyakan ko na. Ewan ko kung mukhang tanga lang iniyakan ko, pero kasi, eto yung nagdugtong sa amin. Sa akin, sa kanya, sa aming lahat. Kaya napakaimportante kung bigla nalang mwala ang bagay na ito. Ayaw ko na matapos kung ano ang nasimulan. Lalo na at madaming memorya iyung naitanim nito sa utak ko. Hindi lang siya parang laro lang. Nagbigay halaga rin ito sa akin. Sa tingin ko naman may sarisariling diskarte ang mga tao pagdating sa mga ganito. Medyo kakaiba nga lang ang sa amin. Pero kahit ganito, mahalaga ito ng sobra sa akin.

Ayaw ko talaga matapos ito :'( Ramdam ko na talaga ang pagtatapos ng taon. Gagraduate na kami!!

Thursday, March 3, 2011

:(

konting salita lang.. wala kasing mapagkwentuhan. :'( bahala na kung sino makabasa.



it’s me who should take the blame. Im the reason not them. Kung hindi naman ako magpapaapekto sa impluwensya nila, hindi ako magbabago, siguro. Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Ako rin ang may problema ee….. Para naman sa akin wula silang masamang impluwensya ee. Ako lang nagpapasama sa sarili ko. Ako ang gumagawa sa sarili ko hindi ang ibang tao, ako ang may isip.. ako ang may kontrol sa aking sarili kung magbabago ako o ano. Pero, siguro nga nagbago na ako, hindi ko lang napapansin at hindi ko talaga mapapansin.
Lumalayo na nga ako unti unti dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Madalas nalang akong naghahanap ng takas sa lahat. Hindi na ako madalas pumapasok, umuuwi na ng maaga, nagbabasa ng libro, nakikinig lagi sa ipod. Hindi ko na nga rin sila makasama madalas dahil ayaw ko na. Pahirap lang ako sa kanila.. ako ang nagdala ng problema sa kanila. Nagkawatakwatak kami dahil sa akin. Mas mabuti narin siguro ang lumayo layo. Nakakapagod na rin kasi ang ganito. Mas mabuting ako nalang mag-isa kaysa sa mandamay pa sa kadramahan ko.
Since ang ugali ko ay nasa bahay ko, napapakita ko doon lahat., sabi lang sakin ng mama ko na tingnan ko daw sarili ko dahil nagbago na daw ako. Bad influence daw mga kaibigan ko. Hindi na nga ako madalas dumikit sa kanila ee. Sabi pa ng mama ko, bkit daw lagi kong ipinagtatanggol mga kaibigan ko. Ewan ko ba! Mas mabuti na atang wala na akong maging kaibigan kung ganito nalang palagi ang nangyayari sa akin….. :(

 

(c)2009 a page full of non-sense. Based in Wordpress by wpthemesfree Created by Templates for Blogger