it’s me who should take the blame. Im the reason not them. Kung hindi naman ako magpapaapekto sa impluwensya nila, hindi ako magbabago, siguro. Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Ako rin ang may problema ee….. Para naman sa akin wula silang masamang impluwensya ee. Ako lang nagpapasama sa sarili ko. Ako ang gumagawa sa sarili ko hindi ang ibang tao, ako ang may isip.. ako ang may kontrol sa aking sarili kung magbabago ako o ano. Pero, siguro nga nagbago na ako, hindi ko lang napapansin at hindi ko talaga mapapansin.
Lumalayo na nga ako unti unti dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Madalas nalang akong naghahanap ng takas sa lahat. Hindi na ako madalas pumapasok, umuuwi na ng maaga, nagbabasa ng libro, nakikinig lagi sa ipod. Hindi ko na nga rin sila makasama madalas dahil ayaw ko na. Pahirap lang ako sa kanila.. ako ang nagdala ng problema sa kanila. Nagkawatakwatak kami dahil sa akin. Mas mabuti narin siguro ang lumayo layo. Nakakapagod na rin kasi ang ganito. Mas mabuting ako nalang mag-isa kaysa sa mandamay pa sa kadramahan ko.
Since ang ugali ko ay nasa bahay ko, napapakita ko doon lahat., sabi lang sakin ng mama ko na tingnan ko daw sarili ko dahil nagbago na daw ako. Bad influence daw mga kaibigan ko. Hindi na nga ako madalas dumikit sa kanila ee. Sabi pa ng mama ko, bkit daw lagi kong ipinagtatanggol mga kaibigan ko. Ewan ko ba! Mas mabuti na atang wala na akong maging kaibigan kung ganito nalang palagi ang nangyayari sa akin….. :(
0 comments:
Post a Comment