Pages

Wednesday, May 25, 2011

K-zone!

HAHA! Hindi naman tungkol ito sa laman ng k-zone sa susunod na buwan kundi tungkol sa kaligayahan na nadama ko nung pumayag ang mama ko na bilhan ako ng k-zone.
Hindi ako nahilig sa k-zone, kahit gusto ko man bumili ay hindi rin naman ako papayagan ng mama ko. Mahal daw kasi. So ayun. Yung una kong k-zone siguro nung taong 2007 pa ata! Yung cover pa nya “The Simpsons”, yun din ang dahilan kung bakit ko nabili yun. May pokemon din ata roon kaya napabihag ako. Proud na proud ako nung araw na iyon dahil nagkaroon ako ng unang-unang k-zone sa buong buhay ko. Nasan na iyon? Ayun, napaggupitan na para project namin nung high school pa ako. Sira-sira narin kasi. Hindi ko alam kung paano ako mag-alaga ng gamit. haha
So ngayon, ikinatutuwa ko na may k-zone ulit ako (might be my last XD). After so many years! WOOO! Edi may free shampoo sachet pa akong nakuha. :))

0 comments:

Post a Comment

 

(c)2009 a page full of non-sense. Based in Wordpress by wpthemesfree Created by Templates for Blogger