2010.
Ang year na nagtapos ako sa 3rd year at pumasok bilang Senior, 4th year. Una kong hinanap ang masayang year na ito dahil ito ang last year ng aking high school. Ngunit masyado akong nag-expect ng sobrang laki, ayan. Ang inisip kong masaya, memorable, natitirang taon na sabihing "Ang Highschool Life ang Pinakamasayang Life sa Lahat" , ngunit puno na ng drama, iyakan, tampuhan ang nangyari. Ewan ko lang, kasi tinanong ko mga kakilala ko, ang pangit din daw ng taon nila, tulad ng akin, puno rin ng drama.
Sa labas ng paaralan, pati sa pamilya may problema rin. Siguro ang taong ito ay sadyang hindi para sa akin o sa kanino mang makakapagsabi ng tulad nito.
New Year's Resolution.
- Magsipag. Iwasan ang katamaran - ang dami kong pinapangarap na makamit pero dahil sa katamaran, wala akong nagagawa o natatapos. Last year's resolution ko rin ito ee na nagtagal ng 1 buwan lang sa akin. :))
- Baguhin ang ugali na dapat baguhin - Sa totoo lang, hindi baguhin, kundi iimprove ang sarili. Bakit ko ba kailangan magbago kung ganito talaga ako? :) Mabawasan lan ang katamaran, pagkastubborn. Bawasan din ang pagiging sobrang sensitibo, emosyonal sa lahat ng bagay. :)
- Maging seryoso na sa buhay - pero hindi ko kayang mawala ang pagkakulit ko ;P
- Living my dreams - mawala lang ang katamaran okay na :)
- Bawasan ang sobrang computer - dapat lang
*Pangit man ang 2010 sa akin, maganda na rin at the same time and many thanks sa magagandang experience na ipinadanas neto sa akin. MANY THANKS 2010! naging ako, ako ngayon dahil sayo. Sana hindi naging masama ang naging outcome ng pagkatao ko ngayon dahil sa iyo... :|
-- :D HAPPY NEW YEAR!!