Pages

Friday, December 31, 2010

Paskong Minimithi!






kami kami rin magpipinsan nang pasko :)




Pasko, pasko, pasko nanamang muli~
Ito ang pinakainaabangan kong holiday sa lahat lahat! Wala akong pake sa birthday ko, ang importante ay macelebrate ang pasko! Malayo pa lang, hinahanap-hanap ko na ang pasko. Madalas akong magsimula maexcite sa parating na pasko sa kalagitnaan ng Ausgust/Agosto. Magsisimula na akong mambulabog ng katabi sa kakakanta ng mga pampasko, lalo na ang peborit kong pampaskong kanta: Ang pasko ay kay saya~ kung kayo'y kapiling na~ sana pagsapit ng pasko, kayo'y naririto~
Ayan na. Pumasok na ang -ber months. Mas lalo na akong nagagalak sa palapit ngunit malayo pang pasko. Bawat lipat ng kalendaryo, iyon ang taas ng talon ko dahil ang pasko ay isang buwan nalang ang layo. Malamig, masaya, simbang gabi, christmas lights, pinsan, pamilya, kaibigan(mas prefer ko kasing macelebrate ito with family than with friends, but mas masaya rin kung friends!). Yan ang lagi kong hanap kapag parating at habang ipinagdiriwang ang pasko. Para sa akin kasi, hindi kumpleto ang pasko kapag hindi ito nararanasan. lalo na ang simbang gabi.
But this year seems to be boring. I can't, FEEL, the christmas spirit. Ewan, siguro dahil sa environment? Malamig naman, maulan-ulan nga ee. Badtrip. Ba't ganun. :)) pero, sa tingin ko, kasalanan ko rin. Masyado kasi ako nagsasayang ng oras sa harap ng computer. Biruin mo, mga pinsan ko nasa salas, ako nasa kwarto, nakatanghod sa harap ng screen ng laptop. Pasko ngunit iba inaatupag ko. Tas magrereklamo akong hindi ko feel ang pasko. :))
Kaya ayun kinagabihan ng paskong iyon, Gumala kami magpipinsan. Puro picture at pagpose kung saan-saan. Matapos manuod at mabored sa isang mini concert sa boardwalk, umuwi kami at may sumalubong na magagandang fireworks sa sky~! Ang GANDA! Lalo na yung GREEN and red na firework! Naku kung nakita mo lang! Sabay, nagtitilian kami ng mga pinsan ko sa ganda. Tapos yung mga lalaki kong pinsan nakisigaw at lahat na kami nagsigawan. Madaming tao ang tumingin dahil tahimik na lugar ang Subic.
Pero, bago natapos yung huling pasko ng taong 2010, naging masaya naman ako dahil bago kami natulog magpipinsan, kumain kami ng noodles!!


-- :D hanggang sa susunod na pasko!

0 comments:

Post a Comment

 

(c)2009 a page full of non-sense. Based in Wordpress by wpthemesfree Created by Templates for Blogger