Pages

Friday, December 31, 2010

Blog and Diaries: Naiwasan na si Katamaran!

After several years of saying, "Gagawa ako ng Blog!", sa wakas, HETO NA SIYA!


Madalas kong sabihin matagal na, na gagawa ako ng blog. Nasabi ko narin na gusto kong gumawa ng Diary dahil siyempre para maikwento mo ang mga mahahalagang nangyayari sa iyong buhay. Tapos, babasahin mo nalang ulit ang mga ito para marefresh ang mga alaalang hindi na muli kayang balikan ng oras o panahon. Dito ka rin pwede maglabas ng mga hinanaing, sama ng loob. Lalo na kapag wala na talagang makausap, nag-iisa, walang nakikinig o mga hindi maaaring makaalam. Sa mga pahina rin nito naipapakita ang mga gumagala o lumalakbay sa ating isipan.


Ang tamad-tamad ko kasi! Wala tuloy niisa ang natupad sa mga doon. haha.
Tulad ng mga notebooks kong pakalat-kalat nalang sa bahay, na supposedly ay diary ko, ayun, puro mga doodles ang laman, drawing ng mga ulo ng anime na hindi natapos instead na dairy, nga. HINDI.RIN.TAPOS. Puro ulo lang. Tulad ng mga tinangkang gawing diary na notebooks. Ayun, meron ulit akong "DIARY", hindi masyadong updated, kapag sinipag lang. hahaha. At puno rin ng doodles na mukhang noodles.


So, ayun. This is my first post na blog ko sa blog na ito. May makabasa man o wala, ang importante mabasa ko ulit ito. pero sana meron magbasa. Sayang ang oras ng pagtype ko ng mahaba.


Makikita dito ang kadaldalan ko at pala kwento sa kabila ng KATAMARAN sa lahat :3 Sarap kasi magkwento, lalo na kapag may makikinig o magbabasa, hopefully. :)) Sana, maipagpatuloy ko itong blog kong ito at wag nang tamaan ng katamaran. :)


-- :D 

0 comments:

Post a Comment

 

(c)2009 a page full of non-sense. Based in Wordpress by wpthemesfree Created by Templates for Blogger