Pages

Friday, December 31, 2010

Happy Fiesta Olongapo: :Cosplay

Last year lang nagkaroon ng cosplay sa Olongapo. At ito ang naging chance ng mga mahihilig sa anime na magsuot tulad ng anime o magcosplay.
Every year, Rizal Day, ay kasabay nitong ginugunita ng buong Olongapo ang fiesta nito. Nagaganap ang sobra SOBRANG haba ng parada. Aabutin ka na ng buwan bago matapos ang buong parada. Ngunit, isinasabay ng Otaku Maru (cosplay chuchu i forgot) ang cosplay sa mismog araw na iyon para makasabay sa parada.
ANG SIMULA.
Matagal na kaming nagpaplano na magcosplay ngayong 4th year. Death note, Shugo Chara, Vocaloids, Hetalia, Sergeant Keroro, Soul Eater, Naruto, Bleach, Kingdom Hearts(Organization XIII), yung iba, nakalimutan ko na. Ngunit lahat ng iyon ay mga ideas lang kaya hindi rin nakuha dahil napakacommon ng iba, yung iba naman ay sadyang mahirap.
Mga October lang ata namin naisip na mag Black Rock Shooter. Medyo nag-alangan kami dahil sa suot ng main character doon ay... Bra at short lang. *sfx: DUN DUN DUUUUN*. Una, iniiwasan namin si Black Rock Shooter(main character), pero hindi rin nagtagal, pumayag ang magulang ni Tisha na magBlack Rock Shooter sya. Kaya, iyon.
Syempre, pinili namin ang costume na madali dali at MEDYO tipid.
November. Nagsimula na kaming magpatahi at magsimula para sa cosplay. Ngunit, sagabal na PAG-AARAL, hindi na namin halos nasimula ang weapons. Sa sobrang daming activities sa school, (pati Saturday kinuha na ng school namin) wala na talaga kaming time sa paggawa para sa aming cosplay. Hassle na hassle, stressed na stressed, bangag na bangag na sa school lalo na't graduating na kami. Ang hihirap at napaka-advanced pa ng pinag-aaralan namin.
December. Naku. December 30 ang parada, costume namin na dapat sa katapusan na namin makukuha, hindi pa rin tapos! May pahabol na activities pa kasi sa school kaya hindi rin nasimulan ang weapons namin. Christmas break na ng nasimulan ang mga weapons namin. Sa awa ng Diyos, natapos namin ang weapons sa mismong araw na ng parade.
Yung mali-maling pagtahi sa costumes namin, nagawan ng paraan. Ang ineexpect naming palpak na cosplay turns out okay, kaya okay na okay na sya. :) Masaya dahil ang pinag-ubusan ng oras, ginastusan ng maraming pera, nagbigay ng maraming problema ay sa wakas tapos na at maisusukat/maisusuot na ang mga gamit na bunga ng cramming namin. :D
Kahit hindi kami nanalo sa group cosplay, marami naman nagsabing cute ang performance namin. :)) Nanalo sa best costume si Tisha. Sabi ko nga, dapat pala magpakita ng katawan para manalo. TCH. XD
Last cosplay of year 2010. Masaya, stressful pero sabi ko nga masaya at nakakapagod. :) Sana hindi ito ang huling cosplay kasama ang tropa :")


-- :D

0 comments:

Post a Comment

 

(c)2009 a page full of non-sense. Based in Wordpress by wpthemesfree Created by Templates for Blogger