Pero, siyempre hindi rin maiiwasan na magkaroon ng mga kaibigan sa net. Ewan ko ba, sa hinabahaba ng pagtanghod ko sa harap ng pc, NAPAKAUNTI lang ng nagiging kaibigan ko. Yung iba diyan kung sino-sino ang mga nagiging kaibigan. Hindi ko nga alam kung bakit, mahiyain ako sa internet. Tulad ng sabi ng karamihan, hindi naman nakikita yung mukha ko sa net, pero ewan. Kabaligtaran ko ugali ko sa IRL sa net. XD
Nawala ata self-confidence ko ee. Dati naman madaldal ako sa net. Pero ewan na. XD
- Roy - nakilala ko sa gaiaonline. Naaalala ko pa kung panu kami nagkakilala. Mukha kasing Syaoran sa Tsubasa Chronicles yung avatar nya. Ee, mahilig pa ako sa anime doon. Agad agad ko syang nilapitan (nasa Rally kami. Parang chatroom siya). Walang hiya pa ako noon. Hanggang sa kinausap ko sya at nalaman na pinoy rin pala sya. Tapos, nagsimula na kami magpalitan ng PMs and comments. ETC ETC SKIP SKIP. XDDDDD. Last time din, nakausap ko sya sa YM, naglakas loob na kausapin gamit yung boses ko. Ayun. Narinig boses ko, boses nya hindi ko man narinig. (WALANG MIC). Hindi ko na matandaan kung anong year ko sya nakilala basta, 4years na ata. 12 years old ako, sya 15yrs old. Aso't pusa kami. LOL. Nung November 2010 ko sya last nakausap sa gaiaonline. Musta na kaya yung ungas. :| namimiss ko narin yon LOL. WAAAAA :(
- Miyan - kumare sa landian. Kasunod ko syang nakilala. Sa gaiaonline din. Basta, magkasama kami ni Roy sa Hollywood (isang chatroom rin). Nakaupo kami magkatabi, tapos may napapansin kaming isang babaeng "umiiyak" gamit yung umiiyak na emoticon. Ignore lang ata kami, or baka inasar ni Roy. Then, sabi ni Miyan, sweet daw namin. After noon, tinawag na kaming mommy and daddy. Nagsimula na rin kaming magpalitan ng comments hanggang sa naging close kami. :) Hindi ko narin ito masyado nakakausap. Busy na kasi ee. Pero sana next time! :DDDDD
- Koy - singkit. Nakilala ko naman ito sa moymoypalaboyforums. (lol. nakakamiss din yung forums) Dito na yung times na hindi ako nagpaparamdam. Hindi ako umaappear sa SB or shoutbox. Nahihiya kasi ako. Sa pagkakatanda ko, nakausap ko si Kokoy sa SB. Uso pa doon yung loveteam niyang SaKoy (Sakura and Koy). Ee, unti lang mga tao, si Koy lang ata ang tao doon sa SB? or bigla akong nagsalita sa SB. Then, nagreply si Koypinoy. Hindi ko na matandaan yung pinag-usapan or yung ugat ng pag-uusap namin. Basta natandaan ko na may sinabi akong, "hello mga fans". ( Hindi ko na talaga maalala basta may nasabi akong "FANS" doon) At si Koypinoy nagreact. Simula noon, naging no.1 fan ko na "daw" sya. Ewan ko ngayon. HAHA! Hanggang sa friendster, facebook to plurk, kausap ko sya. Dati YM pero ewan ko doon. (walang RIN mic at webcam). Until now may communication parin kami. Nagsasawa na nga ako ee. HAHA. joke lang behbehlalabsko mumuaah tsuptsup XD. pero joke lang :|
Nakakatuwa dahil naaalala ko pa! Maliban kay Koy na medyo malabo haha. Pero atleast alam ko kung pano talaga nagmeet di baaaa.
Sa tatlong taong yan, sila lang ang PINAKA close ako. Yung umabot talaga ng taon, at may communication ako sa kanila hanggang ngayon. Sana nga at hindi maputol ang communication namin. Marami rin akong naging kaibigan pero agad ding nawawalan ng communication. Sayang pero baka sadyang ganoon haha.
Sana next time mameet ko na sila. :))
Mas humaba pa lalo ang pagsasamahan namin kahit dito lang sa net kami nagkakausap. :)
-- :D
5 comments:
yehey kasama ako pero ako yung kinalimutan mo huhuhuhu :O teka lang Nagsasawa ka na pero joke lang na pero joke lang din? :'( huhuhuhuhuhuhuuhuhuhuuhuhuhu?
galing! pano mo nalaman? :))
kaw natatandaan mo pa ba yung buong kwento? >:O
syempre naman nakatambay lang ako sa sb tapos bigla kang dumating sinabi mo ako si Kurochan Kyot ako!!!! tapos sinabi ko whoa!!!!! tapos binaril mo ako yehey The end
:O
kurochan ang sabi ko? >:O
ganda ng ending! :D
yehey :')
Post a Comment