Pages

Saturday, June 25, 2011

Ramdam ko parin ang natuyong luha na dumaan sa aking pisngi

HAHAHA. DRAMA KO! XD

Tapos na kasi yung AnoHana. :(( grabe ang iyakan nila, pati ako nakisawsaw kasi... patapos na yung anime XD Pero grabe, nakakaiyak siya. Natupad na kasi yung wish ni Menma, kaya sumakabilang buhay na siya fo realz. Super nakakatouched siya dahil about sya sa friendship na bigla nalang nawala. Until now,nagtataka ako kung paano o ano ang nakita ni Poppo doon sa part na namatay si Menma :| Di ko alam kung sinabi o hindi. XD

Basta iyon. Ang ganda kasi... BASTA ANG GANDA. Friends na sila ulit tulad nung mga bata pa sila :">

Wala na akong aabangan every friday :( ..(maliban sa Sekaiichi Hatsukoi XD)

Friday, June 24, 2011

Ang ayaw na ayaw ko sa first day of school

ay yung new black school shoes. Maganda nga siguro na may bago kang sapatos, pero kapalit ng panandaliang kaligayahan na nakuha mo, ay magkakaroon ka ng nakakakunot noo na paltos sa paa. Hanggang ngayon kasi ang hirap maglakad. Puro band-aid ang paa ko tapos ang hirap pa maglakad. Hindi maiiwasang maglakad ng parang pilay. Ang saklap pa naman at miles pa yata ang lalakarin ko bago makarating sa room ko. Nagdudugo pa nga yata ung paltos ko sa kaliwang paa. Ang tindi grabe ng paltos na ito. First time ever na mamassacre ako ng sapatos ko ng ganito. Buong paa apekted. Sana maghilom na ang paa ko para makatakbo na ulit ako :c


Isinusumpa ko ang walang patawad na black shoes na iyon!

Wednesday, June 22, 2011

Bawal ang Barkada?

May club or organization kasi akong sinalihan sa school namin. "anime club" hahaha. Nagjoin ako agad after getting permission kay mama nung saturday, June 18, 2011. Kasi gustong-gusto ko talagang sumali. Humiwalay na ako sa mga madalas kong kasama sa room, mga classmates ko. Tas nagjoin.


Eh, every saturday daw yata merong meeting ng club. So, tinanong ko si mama kung pwede ba akong mananghalian sa school namin ng saturday. Nagalit siya bigla, bakit daw at anong meron sa Saturday. Wala naman daw kaming pasok. Tapos sinabi NANAMAN niya na, "ang aga aga, napapabarkada ka na." Eh, ang totoo naman gusto ko makilala yung mga tao dun sa club ee. At saka, wala nga akong barkada sa college ngayon ee. =.= hindi ko nga magawang makatawa ng malakas, maggawa ng ingay, hindi rin ako masyadong nagsasalita unless na lang kapag kailangan, tapos sasabihin niyang nababarkada ako.


HAYY. Hirap na hirap nga ako kung paano makisama sa mga taong bago ngayon ee. Nagwiwithdrawal nanaman ako tulad nung ginawa ko noong high school na humihiwalay sa grupo. Ewan ba, lagi kong ginagawa yun. Kahit alam kong hindi nakakatulong yung paghihiwalay ko sa natatanging mga kasama ko sa school. Nung isang araw lang, may nasabi yata akong hindi maganda sa isang kong kaklase hahaha. Nabadtrip ako sa sarili ko until now kung bakit ba ganito ako. Nagpapanic pagdating sa mga bagong tao.


HM. Pabayaan na nga, bawal daw barkada sabi ng nanay. So far, natutupad ang wish niya dahil hindi ako socially active sa klase. Pero.. gusto ko lang makipagkaibigan sa mga tao sa club na iyon. Doon lang ako aktibo at sobrang daldal. Kahit doon lang sana...

Tuesday, June 21, 2011

I hate myself for living in the past.

Because it keeps on haunting me. I kept looking for something I had before but what can I do? Past is past. I can no longer bring back the old, I can no longer bring back the happiness I once had. This is the reason why i cant be really happy. I always seek for the old, and now afraid of the future(kinda). Now, i think im failing at making friends in real life, i cant even talk right around people. So i always end up being quiet.


The people who was with me in the past probably having their best times right now, while im still struggling here, finding my way out.


Anyway, im just gotta let the water wash me away and wait till im back to the shore. Hahaha. I always do this, especially if i dont know what to do anymore.
"No matter how hard you look at the person you like, he/she will never look back at you because he/she is too busy looking at someone else."
- Teru

Monday, June 6, 2011

SO..

I was thinking of making a comic/manga about shounen ai..or yaoi. >U> the problem is.. i dont know how to put it together. OTL i suck at anatomy, i lack confidence.. aaand. im just not sure yet. >A> tho.. i dont like the idea of wasting this opportunity again. I havent created a story in my mind for a very long time. It would be a waste if i just let this idea go. lol~ .. i hope ill be able to do it. ;A;
 

(c)2009 a page full of non-sense. Based in Wordpress by wpthemesfree Created by Templates for Blogger