Pages

Wednesday, June 22, 2011

Bawal ang Barkada?

May club or organization kasi akong sinalihan sa school namin. "anime club" hahaha. Nagjoin ako agad after getting permission kay mama nung saturday, June 18, 2011. Kasi gustong-gusto ko talagang sumali. Humiwalay na ako sa mga madalas kong kasama sa room, mga classmates ko. Tas nagjoin.


Eh, every saturday daw yata merong meeting ng club. So, tinanong ko si mama kung pwede ba akong mananghalian sa school namin ng saturday. Nagalit siya bigla, bakit daw at anong meron sa Saturday. Wala naman daw kaming pasok. Tapos sinabi NANAMAN niya na, "ang aga aga, napapabarkada ka na." Eh, ang totoo naman gusto ko makilala yung mga tao dun sa club ee. At saka, wala nga akong barkada sa college ngayon ee. =.= hindi ko nga magawang makatawa ng malakas, maggawa ng ingay, hindi rin ako masyadong nagsasalita unless na lang kapag kailangan, tapos sasabihin niyang nababarkada ako.


HAYY. Hirap na hirap nga ako kung paano makisama sa mga taong bago ngayon ee. Nagwiwithdrawal nanaman ako tulad nung ginawa ko noong high school na humihiwalay sa grupo. Ewan ba, lagi kong ginagawa yun. Kahit alam kong hindi nakakatulong yung paghihiwalay ko sa natatanging mga kasama ko sa school. Nung isang araw lang, may nasabi yata akong hindi maganda sa isang kong kaklase hahaha. Nabadtrip ako sa sarili ko until now kung bakit ba ganito ako. Nagpapanic pagdating sa mga bagong tao.


HM. Pabayaan na nga, bawal daw barkada sabi ng nanay. So far, natutupad ang wish niya dahil hindi ako socially active sa klase. Pero.. gusto ko lang makipagkaibigan sa mga tao sa club na iyon. Doon lang ako aktibo at sobrang daldal. Kahit doon lang sana...

0 comments:

Post a Comment

 

(c)2009 a page full of non-sense. Based in Wordpress by wpthemesfree Created by Templates for Blogger