Kahapon:
Ako: Buti pa sila Sharlon at Tisha magkakasama sa Olongapo ngayon. Mama: Anong gusto mong gawin ko?
Ako: Magkaroon tayo ng sariling bahay sa Olongapo.
Nakakainggit lang kasi, kapag mga walang pasok tulad ng mga semestral breaks, mga kaibigan ko nakakauwi ng Olongapo sa mga sarili nilang bahay. Habang kami ni mama nandito lang sa Angeles. Lahat ng mga kaibigan ko may mga sariling bahay sa Olongapo. Kami lang ata ang wala. Kaya tuloy madalas nahihirapan kami magsama-sama para magreunion. Minsan naman, nagkikita-kita sila, at syempre wala ako.
Oo, tama nga si mama, dito kasi sa Angeles ang pinili kong school ee. Kahit rin siya gusto niya sa Olongapo talaga. Ayaw niya rito sa Pampanga ee, dahil sa mga experience niya raw dati sa mga kapampangan. Hindi naman ako nagsisisi na dito ko pinili mag-aral. Pero syempre sa Olongapo ako lumaki, mga kaibigan at kamag-anak ko LAHAT doon nakatira.
Ang hirap talaga kasi ng walang sariling bahay. Palipat lipat na kami, sa Gapo pa lang. Tapos nangungupahan pa kami. Sa isang buwan 6000 ang ibabayad namin. Ang laking pera ang nakakaltas sa amin di ba. Nakakapanghinayang. Edi kung inipon namin yung tig-6000 na pera simula pa lang, baka matagal na kaming may sariling bahay.
Ngayon at lumipat kami ng mama ko sa Angeles, pinoproblema namin kapag pumupunta kami sa Olongapo dahil wala kaming tutulugan kaya madalas sandaling araw lang kami, minsan mismong araw ng dating namin ay uuwi na kami agad kinagabihan. Marami kaming kamag-anak sa Gapo pero lahat sila maliliit lang ang bahay tapos napakalayo pa sa siyudad. Hindi kami masyado makagalaw tapos medyo magulo pa. Hindi naman pwedeng maghotel o mag-apartelle kami doon dahil sobrang gastos noon. Hindi tuloy namin magawang makapagpasko o bagong taon roon kasama ng mga kamag-anak namin na kadalasan naming ginagawa nung nasa Gapo pa kami.
Hindi ko ni minsang inisip noong bata ako na kukunin ko ang kursong Architecture. Hindi ko rin pinangarap na maging arkitekto ako. Biglaan nalang na kinuha ko ito dahil hindi ako makapagdesisyon agad. Kaya siguro Architecture ang naiplano sa akin ng Diyos dahil sa ganitong kadahilan o sa iba pang dahilan na sa matagal na panahon ko pa malalaman.
Sana talaga magkasariling bahay na kami kahit maliit lang.
----