skip to main |
skip to sidebar
Isang gabi, kasama ko raw mga tropa ko sa bahay ko. I dont know kung sinong mga tropa iyon. Basta parang mag-iisleep over yata sila sa bahay namin. Pagkatapos, mga gabing-gabi na ata, hindi ko alam kung sino yung lalaking iyon pero ayon sa panaginip ko kilala ko siya. Isa yata sa mga kaibigan ko Ninanakaw niya yung mga gamit ng mga kaibigan ko. Para siyang Robinhood? O.o
Tapos ang sabi ko ba naman sa kanya, "Oy, huwag lang yung wallet ni mama!" Mabait naman si lalaki, ibinalik sa tamang lugar yung wallet ni mama at tinangay yung gamit ng mga kaibigan ko. Tapos hinabol ko yata siya tapos sinabing gusto kong sumama sa kanya. Sinama niya ako at binuhat ng bridal style.
Habang bumababa siya ng hagdanan papunta sa isang village,
gabi non kaya ang ganda tingnan ng village dahil sa ilaw ng mga bahay. Y
akap-yakap ko raw siya. Tapos, naaalala ko pa ngang sinabi ko dun sa lalaking iyon na ang init-init niya. As in, naramdaman ko talaga sa panaginip ko.
Tapos biglang nakita ko ang sarili ko sa gilid ng bahay, buhat-buhat parin niya ako. Sumunod, hindi ko alam kung nakatayo na ako noon o nakaupo. Basta hinalikan daw niya ako. :O Hindi ko alam kung ilang seconds ang tinagal. Basta ang alam ko hindi siya smack. HAHAHA. Dahil naramdaman ko mismo kung paano yung halik sa panaginip ko. Ang weird. I want to describe the kiss but it's really awkward to say it here hahaha. Ipinikit ko mga mata ko, tapos pagdilat ko bigla siyang nawala. (You know, while i was rethinking this dream earlier, i kept on thinking about Luce and Daniel Grigori from the book "FALLEN" i read) Pumasok daw ako sa bahay na nasa tabi namin at nakita ko siya kasama yung "nanay" niya. Which i think is a fairy god mother. hahaha.
I shall end it here. I just want to tell the interesting part of my dream. Kasi afterwards, yung storya naging fairytale. Hindi na ako included ee. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Emily rose na nakatali sa wheel made of wood.
Anyway, i hope i'll have a dream like this again. Hahahaha.
0 comments:
Post a Comment