Karaoke. Marami ang nagsasabi na likas sa mga pilipino ang mahilig sa pagkanta. Mapakahit anong okasyon laging mayroong mga kantahan. Minsan pa nga kahit walang okasyon, basta may karaoke ka, sige ba. Hindi ako makatanggi dito dahil hilig na hilig ko ang pagkanta. Kahit hindi ako ganoon kagalingan, sige, todo kanta parin na may halong asim ng mukha sa taas ng mga pinipili kong kanta. Napasok rin naman tayo sa mga kanta, ano nga ba ang kadalasan na kinakanta ko kapag nasa tapat ako ng karaoke?
- Cry (by Mandy Moore) - ang unang kanta na laging kong hinahanap sa song book. Hindi ko nga alam kung kelan, pero bata palang ako kinakanta ko na ito sa karaoke :))
- Bakit Nga ba Mahal Kita (by Roselle Nava) - pinakamasaya kasing kantahin ang mga tagalog songs. Basta mahirap iexplain. Mas nag-eenjoy akong kantahin ang tagalog songs tulad neto
- Basang-basa sa Ulan (by Aegis) - I know. Super taas ng kantang ito. Narinig ko ito noong musmos palang ako na kinakanta ng kaibigan ko (Joanna) sa karaoke rin mismo at lagi niyang kinakanta ito. Kahit na sumabog ang lalamunan ko dito, tuwang-tuwa parin ako sa song na ito haha
- Breaking Free (from HSM) - ang kantang hindi rin nawawala kapag kasama ko si Joanna kapag nagkakaraoke. Siya si Troy, ako si Gabriella
- Time In (by Yeng Constantino) - another tagalog song
- Salamat at Hawak Kamay (by Yeng Constantino) - isa pang masaya kantahin
Wala na akong maalalang mga kantang madalas kong kinakanta maliban sa mga ito. Maaaring nakalimutan ko yung iba. Basta maraming-marami akong kinakanta, ito lang yung mga kantang hindi nawawala kapag ako’y nakahawak na sa mikropono.
Kung meron lang kaming sariling karaoke baka singer na ako ngayon. Pero ayaw lang siguro ng tadhana na maging singer ako haha :P Ikaw ba? mahilig ka ba magkaraoke? :)
0 comments:
Post a Comment