Pages

Thursday, December 8, 2011

You raise me Up :))

Gusto ko lang maishare, this past month kasi kung sino-sino na bumuhat na sa akin. Naenjoy ko lang kasi ng husto kapag binubuhat ako. Nung una si Joanna binakay niya ako (Piggyback ride). Tapos nang mapagod at makita ni Brylle, siya naman daw itry nya daw ibakay ako. Medyo nagdalawang isip ako kasi lalaki kahit silahis, pero in the end bumigay ako. Nagpabakay ako pero inikot niya ako nang inikot. Grabe nahilo ako nun tas naghiyawan mga classmates ko at tinutukso si Brylle. Lalaki na daw siya.


Tapos kani-kanina lang si Glenn naman ako bumakay. Ang laki kasi ng tao kaya ang saya! (Nagpaalam muna ako kay Joanna kung pwede :P hahahaha) Tumatakbo pa siyang bakay ako kanina hahaha. Naalala ko tuloy nung bata ako. Alam ko ginawa yun sa akin ng lolo ko. Namiss ko tuloy maging bata. Yung hinahagis-hagis ka sa ere. Hindi ko na maalala yung mismong detalye pero alam kong naranasan ko iyon :))


Kasunod pala ng binakay ako ni Glenn, yung nakaupo na ako sa balikat niya. Super nakakatakot at nakakalula. Masaya pero naluha ako sa takot. Gusto ko pa hahaha


Malaki rin pala ang advantage ng maliit :D

0 comments:

Post a Comment

 

(c)2009 a page full of non-sense. Based in Wordpress by wpthemesfree Created by Templates for Blogger