Ayoko yung feeling na makikita mo yung taong iyon na may kasama na iba, may katext at ang masaklap, alam mong wala kang pag-asa sa kanya. Alam ko yung:
"Hindi mo pa nga nasusubukan sumusuko ka na?"Masakit nga ang heartbreak ee hahaha. Ayaw ko rin madalas ang babae mismo ang lalapit sa lalaki at sabihin gusto niya ito. Depende nalang kung gustong-gusto mo talaga ipaalam. At isa pa, sa mga nasabi ko, senyales ng pagselos. Selosa ako, kahit alam kong hindi akin magseselos parin ako. Ang isa sa ugaling nakakasira ng isang relasyon. Kaya ngayon, ang madalas na nangyayari sa akin, kung magkagusto man ako sa ibang tao at kapag may mangyaring hindi ko magustuhan, agad-agad akong bibitaw sa nararamdaman ko sa taong iyon tapos muli akong babalik sa dati.
Madalas din kasi ako mag-isip ng kung ano-ano. Tulad ng:
Bakit mo pa ba kailangan sabihin sa kanya na mahal mo siya? ee kung maging kayo naman, balang araw maghihiwalay rin kayo.Very optimistic? I know right. :)) Lagi yang umuulit sa isip ko. So why do you still have to force yourself for that someone if eventually you'll fall apart? Sakit na yata ito. Pero, to be honest, Oo, kadalasan akong naiinggit at nacucurious kung ano ba talaga ang feeling ng may karelasyon. Yung maranasan mo yung may nag-aaruga, naghahatid/sundo, may kakulitan, may kasama saan mo man gusto, may kayakap, kahalikan, kalampungan. HAHAHA Joke lang. Yung nararamdaman mo na mahalaga ka sa isang tao. Parang ang saya.
Sa nabanggit ko, malabong mangyari na magmahal ako agad o mahalin ako hahaha. Napaka-pessimistic sa lahat ng bagay. Sa ngayon, okay na muna siguro ang pahabain ang buhay ng pagiging single ko. Sa susunod na ang c-c-c-c-combo breaker! Hindi naman kailangan ipagmadali, darating din ang nararapat na pag-ibig, at sana mahalin din ako pabalik ng taong iyon, at mahalin ko rin siya. :>
---
0 comments:
Post a Comment